Friday, February 18, 2005

Lahat ay tuldok lang

Tuldok. A small point. A speck in space. That's what we are. That's what all are. Most people don't see it that way. Consider yourself lucky if you did.

Kahit na ang araw sa kalangitan
Siya ay tuldok lamang sa kalawakan


Ang letrato ng galaxy sa itaas ay halos katulad ng Milky Way kung saan ang Solar System na kinabibilangan ng mundo natin ay isang napakaliit na tuldok lamang. Ganyan kalaki ang kalawakan.

Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian


Sinasabi sa Big Bang theory na ang lahat ay nag umpisa sa isang tuldok lang o yung tinatawag na primeval atom. Ito ang source ng isang cosmic explosion na naging sanhi ng expanding universe. Pero dahil sa gravitational force matitigil ang ekspansyon na ito at unti unting lalapit sa isa't isa ang lahat ng bagay sa kalawakan at darating ang punto na ang lahat ay babalik sa dati - tuldok.

May iba naman na may sariling theory tungkol sa pinagmulan ng lahat. Na ang lahat ay parte lamang ng isang cycle na patuloy na umuulit ulit lang.

Ano ba talaga ang totoo? Bakit ba tayo nandito? Anong dahilan? Totoo ba ang "creation" na sinasabi ng mainstream religions? Na may isang diyos nga na gumawa ng lahat?

Pinanganak ako, lumaki at namulat na may pasan sa likod. Ito yung tinatawag na sacred cows. Mga bagay na nakagawian na natin simula't sapul pa. Mga paniniwala na pinamana sa atin. Mga tradisyon at kultura. Belief system. Kasama na dito ang religion.

Pinanganak akong katoliko dahil parents ng parents ng parents ng parents ko ay katoliko. Sa Pinas, it follows na ang susunod na generation ganoon din. Wala akong choice. Pero hindi na ngayon. Ako ang tipong hindi madaling masiyahan sa mga bagay na hindi ko naiintindihan.

Then internet came along. Tons of information right at the tip of your fingertips. Una kong inusisa yung pinamana sa akin- catholicism. After reading both side's argument, nag umpisa akong mag karoon ng doubt. Me Vatican I, me Vatican II, me traditional or latin mass, me novus ordo (new mass). Sabi ng Vatican I traditional mass is for perpetuity. Meaning for eternity. Then binago ng Vatican II. Nag mukhang protestante ang misa. Pero ang isang bagay na napansin ko, parang walang nakakapansin sa mga pagbabagong ito. Kaya yung sinasabi nilang tamang paniniwala, di nila alam iba na kesa sa dati!

While searching the net for more info, I came upon these links: The Wave Series by Laura Knight-Jadczyk and http://www.cassiopaea.org/cass/index.html na medyo controversial ang dating. This is because of the fact that "channeling" is involved. Pero okay lang kasi mahilig din naman ako sa science fiction. Pero the more I read, the more I got interested. I thought, "this is amazing!". For the first time I'm reading something that makes sense to me. This is more than just fiction.

Nang mabasa ko ang Who wrote the bible? na hango sa mga artikulo sa librong The Secret History of The world, na sinulat din ni Laura Knight-Jadczyk parang bigla akong nagising sa matagal na pagtulog. And as if something very heavy was taken off my back.

Then I decided to get rid of my sacred cows. It was the only way for me to see "reality" for what it is. Not the reality that most people want to see.

For the first time, I'm not worried about dying and going to hell.

Tingnan mong mabuti ang 'sang katauhan
Maraming nag-aaway, tuldok lang ang dahilan
Sa aking nakita, ako'y natawa lang
'Pagkat ang nangyayari'y malaking kahibangan
Kaya wala kang dapat na ipagmayabang
Na ikaw ay mautak at maraming alam
Dahil kung susuriin at ating iisipin
Katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin

0 Comments:

Post a Comment

<< Home